Monday, June 28, 2010

First monthsary ♥

Hello, hello. Shit, can't believe, ngayon ko lang ibblog to. Haha parang magsesecond month na eh. Grabe kasi tinamad na naman ako. Di ko na binuksan ulit. E tyempo, tamad na tamad ako ngayon, wala akong magawa, grabe. OKAY, magkwento na ko no. :))

Syempre first monthsary namin ni Troy yun. June 7, 2010. Ayoko namang hindi kami magkita or magkasama man lang. Kaya nag-isip talaga ko ng ipapaalam ko. Kaya sabi ko na lang, pupunta kami kela Dyan, manunuod kami ng DVD :)) Successful, pinayagan ako. Sooo happpyyy \:D/ Ang plano ko kasi kasama ko si Rochie, kasama nya din si Jethro. Pero hiwalay kami tas sabay kami uuwi para hindi halata. Basta planado talaga. Sabi ko pa kay Danica (kasi hindi sya kasama e), pag tumawag sa kanila si mama tas tinanong kung bakit di sya kasama sabihin nya tinatamad sya pumunta kela Dyan. Hahaha, hayup e, parang napakasama lang e. HAHA =)) Edi yun, excited na ko kasi last na nagkita yata kami nun, May 27 pa. Wew :)

1PM usapan namin, e kakafree palang ni Rochie sa kanyang pagkakagounded kaya kailangan ko sya sunduin sa kanila para may proof. Bwahahaha. Tas yun pala hindi makakasama si Jethro kasi may pasok na, tas 2PM daw uwian pati magbabasketball pa. Kaya hindi sila magkikita ni Rochie kaya sabi ko kela Dyan na lang sya magstay. :> Umalis na kami, grabe inet, wasted na wasted agad e. Sa 7-11 RFC kami naghintay, tas dumating na si Troy. Pinakilala ko lang si Rochie tas hinatid na namin sya sa terminal ng trike. Haha, tas mga 6PM susunduin na lang namin sya. Parang anak e. =)) Dumaan kami ni Troy ng RFC. Binili ko ng Jellyace si Adam :)) Tas pumunta na kami sa kanila. Pagdating namin naiyak si Adam, haha, iniwan kasi ni Troy e. Ayaw nya ng wala syang kasama :) Andun yung lola nya pati lolo, sabi pa nga ng lolo nya, si Mia (Troy's cousin) daw ako. Haha natawa ko dun. =)) Tumingin lang kami ng photo albums nila tas mga pictures sa lappy nila. Then nanuod na kami ng movie. Haha ewan ko gusto ko kasi mapanuod ulit yung Shrek I, kase dko na matandaan yung story. Haha, binigay ko sa kanya yung letter ko :)) Habang nanunuod kami gusto naman ni Adam ng ibang movie, tas isa pa ulit na movie. Haha, Monsters Inc. pati Over the Hedge yata. Hahaha, tas dumating na si Mia, edi nakita ko na sya. Pati yung ate ni Troy. Nagluto ng pancit malabon yung lola nya. Konti lang kinain ko, nakakahiya. Pero ang sarap parang gusto ko pa kumain nun. Hahaha (sana wag nya mabasa kasi ibubuking nya ko dun) Okaaay, may new experience nga ko dun e, di ba pag kalamansi sa pancit malabon, nakahiwa lang yung kalamansi into two tas bahala ka na magsqueeze nun. Sa kanila nasa isang maliit na lagayan tas puro katas na. Gagamitan mo nlang ng kutsarita tas lalagay mo sa pancit mo. Gets? HAHA, o basta yun na yun. Mga 5PM na yun e, tas gusto daw ni Adam ng Shrek Forever After kaya nanuod ulit, tas ayun, nagkukulitan na lang kaming dalawa. Kwentuhan. Nag-uusap din sila ni Mia. 6PM na kaya kailangan na namin sunduin si Rochie. Haha, bago kami umalis tinignan ko muna sa pc nila yung mga pictures ni Adam simula nung baby. Ang cuuuuuuuuute :) Tapos umalis na kami, sumabay na din samin si Mia. Over tong Troy na to e, i-kiss ko daw yung lola nya. E nahihiya ako, pero syempre sinunod ko na lang sya. Mahal ko naman sya e. Hahaha. =))

Pagdating namin kela Dyan, nakita ko agad yung kulot e. Ang kapal ng buhok =)) Haha at last napakilala ko din sa kanila si Troy, haha. Nagserve sila ng mga pancakes, heart shape pati star shape. Sana napicturan ko :) Pati may iced tea, na walang ice. Hahah (thanks guys :*) Tas puro daldalan na lang kami, tawanan. Haha, nag-enjoy ako super kasi namiss ko din sila :) Tas nagpicture-picture lang kami :D (AYAW UMAYOS NG PICTURES DITO SA BLOGGER NGAYON KAYA HINDI AKO MAKAKAPAGLAGAY :|)

Di naman kailangan ng engrandeng date kapag magmomonthsary e, basta magkasama kayo tapos masaya kayo. Okay na okay na okay na. Makita mo lang syang masaya :)) Eww ang drama =))

Kung binasa mo, salamat, tibay mo :)) Bye \:D/

1 comments:

Carla Marie Delos Angeles said...

heeey! natapos ko basahin. HAHAHA!
sweet nyo nman. inggit ako. (dyook. :))))
ang galing nyo mag-plano e. nkakatuwa. hahahah
stay super strong. :D
:*

Post a Comment